SCE ActivitiesVideo

Makabagong teknolohiya – TARLAC CITY, SMART CITY

ANGEL PORTAL ECOSYSTEM PROJECT

Sa banta ng pandemya, napapanahong solusyon ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.Layunin ng Angel Portal Ecosystem Project na mapadali at mapabilis ang frontline services ng City Government sa pamamagitan ng isinusulong na mga serbisyo.Pinagtibay ang isang Memorandum of Agreement noong August 19, 2020 sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy sa tulong ng Sangguniang Panlungsod at ng ITBS Information Technology Business Solutions Corporation kung saan ang mga transaksyon sa hinaharap sa lungsod ng Tarlac ay malapit nang isagawa online gamit ang isang web portal at mobile phone application, sa ilalim ng inisyatibong maging unang “smart city” hindi lamang sa probinsya ng Tarlac pati na rin sa buong Region III.Ang programa ay gumagamit ng “Citizen Registration Management System (CRMS),” na magiging database ng lungsod. Magbibigay rin ito sa mga residente ng Citizen Portal App (CPA) at Medical Self-Assesment and Reporting Tool System (MSARTS).Ilan pa sa mga features ng nasabing application ay ang mga sumusunod:- Profiling sa bawat residente para sa Digital ID, QR Code at Facial ID;- System para sa health records, local civil registry, waste management, traffic management system, disaster monitoring & early warning at iba pang may kinalaman sa kahandaan sa mga sakuna;- Kasama na rin ang pagbuo ng Smart Campus bilang tugon sa distance learning.Walang gastusin ang Tarlac City Government sa nasabing proyekto na magiging bahagi ng halos lahat ng sektor ng mamamayang Tarlakenyo sa siyudad.Unang pinulong ang mga miyembro ng council sa 76 na barangays para sa isang Orientation upang sila ay maging katuwang sa hangaring mairehistro ang lahat ng bawat miyembro ng pamilya sa bawat komunidad, makapag anunsyo ng agarang pampublikong impormasyon at konsultasyon sa mga mamamayan.Sumunod na tinipon ang Citizen Registration Information Team (CRIS-T) o mga data gatherers sa isang orientation at seminar na siyang aatasan upang mangolekta ng mahalagang impormasyon ng mamamayan.Tinalakay ang kritikal na responsibilidad ng mga kasapi ng mga emergency response, peace and public order groups sa Tarlac City dahil magkakaroon na ng real-time at makatotohanang pagrereport ng mga pangyayari, traffic violations, disaster, early warning at emergencies ng mga Tarlakenyo sa pamamagitan ng Angel Portal, katumbas ng mas maagap na pagresponde ng nakakasakop na agency o departamento.Magiging mabuti rin ang mobile application na ito sa mga religious and professional groups at mga namumuno sa academe upang makapagbigay agad ng mahahalagang anunsyo o impormasyon sa kanilang pinamumunuan at iba pang serbisyo.Ipinakilala rin ang Angel Portal at iba pang mahahalaga at kapaki-pakinabang na features nito sa mga private at public transportation drivers at mga opisyales ng Tricycle at Jeepney Operators and Drivers Association.Sinimulang irehistro ng mga data gatherers na kabilang sa Citizen Registration Information System-Team o mas kilala sa tawag na CRIS-T ang mga mamamayan ng Tarlac City sa mobile application noong Miyerkules, November 18, 2020.Sinisiguro naman ang privacy ng datos na makukuha mula sa publiko. Isang oath ang nilagdaan ng mga miyembro ng CRIS-T na nagsasaad na gagamitin lamang ang nakuhang datos para sa layunin ng proyekto at mananagot kung may paglabag dito base sa probisyon ng Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Bukod dito, ang lokal na pamahalaan ay tatalima sa probisyon ng Data Privacy Act na magtatalaga ng Data Protection Officer na may tungkuling siguraduhin ang privacy at proteksyon ng nalikom na datos.Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Cristy sa kooperasyon at suporta ng mga mamamayang Tarlakenyo dahil sa kanilang sama-samang pakikiisa sa mga nabanggit na orientation at sa adhikain ng Angel Portal.Very Warm ang reception ninyo to Convert Tarlac City into Smart City – we only became smart because we are one with the people, because we are united together, nagkakaisa tayo to make Tarlac City, a Smart City. Tarlac City – We are ready!Sa kabila ng pandemyang, patuloy ang mga plano at pagsisikap ni Mayor Cristy upang lalong mapaunlad ang Tarlac City at makasabay sa nagbabagong panahon at umuusbong na teknolohiya. Patuloy ang pagarangkada ng mga data gatherers o ang Citizen Registration Information System – Team (CRIS-T) sa inyong Barangay. Kaya’t huwag magpahuli at mag-register na!

What is your reaction?

Excited
0
Happy
1
In Love
0
Not Sure
2
Silly
0

You may also like

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *