News and Updates

EMERGENCY RESPONSE GROUPS ORIENTATION FOR ANGEL PORTAL APP

Kahandaan sa panahon ng sakuna ang isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod ng Tarlac. Sa gitna ng pandemya, direkta at agarang solusyon ang tugon ng pinakabago at kauna-unahang application system sa buong Region 3 na magpapabilis ng paghahatid ng serbisyo publiko para sa lahat ng rehistradong mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad maging sa pag-report ng emergency at pagpapatupad ng mga batas pantrapiko.

Nagsagawa ng orientation ngayong araw, ika-15 ng Marso 2021 ang Information Technology Business Solutions Corporation (ITBS) kasama ang mga Emergency Response Groups na kinabibilangan ng BJMP, Trasport group, City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Public Order & Safety Office – Traffic Management Unit (POSO – TMU) sa siyudad ng Tarlac bilang paghahanda sa napakahalagang gampanin ng mga nasabing grupo sa pagbibigay ng agarang serbisyo na kailangan ng mga residente ng lungsod.

Isa sa mga features ng Angel Portal App ay ang 911 EMERGENCY na magagamit upang direktang maireport ang anumang uri ng mga insidente tulad ng sunog, aksidente sa kotse, pangangailangang medikal, pamamahala ng basura o anumang krimen. Bukod dito, maaari din itong gamitin ng mga residente upang magsagawa ng COVID-19 self-assessment.

Matatandaang nagkaroon na ng orientation kung saan tinalakay ang mga kritikal na responsibilidad ng mga kasapi ng mga emergency response, peace and public order groups dito sa Tarlac City na katumbas ng mas maagap na pagresponde ng nakakasakop na agency o departamento.

Sinisiguro naman ang privacy ng datos na makukuha mula sa publiko. Gagamitin lamang ang nakuhang datos para sa layunin ng proyekto at mananagot kung may paglabag dito base sa probisyon ng Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Bukod dito, ang lokal na pamahalaan ay tatalima sa probisyon ng Data Privacy Act na magtatalaga ng Data Protection Officer na may tungkuling siguraduhin ang privacy at proteksyon ng nalikom na datos.

Patuloy ang pag-arangkada ng Angel Portal Ecosystem Project na naglalayong gawing Smart City ang Tarlac City. Huwag magpahuli at maging digitally registered citizen! Narito ang link para maging Smart City ready: tarlacangelportal.ph

#AngelPortalEcosystemProject
#TarlacCityInformationOffice
#MagkaisaBawatOrasSamaSama

source
https://www.facebook.com/tarlac.cio/posts/5148163918587860

What is your reaction?

Excited
0
Happy
1
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

0 %
Wildcard SSL