SCE ActivitiesVideo

Patuloy ang pag-aarangkada na ang Angel Portal Ecosystem Project

Narito na ang pinakabagong proyekto na solusyon sa nagbabagong panahon at kaagapay sa umuusbong na teknolohiya.

Pinakauna sa buong Region III, handa na ang Tarlac City para maging Smart City! Ang mga transaksyon sa hinaharap sa lungsod ng Tarlac ay malapit nang isagawa online gamit ang isang web portal at mobile phone application.

Mas mapapadali rin ang paghahatid ng serbisyong publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng agarang pagpapaabot ng mga concerns tungkol sa traffic, basura, emergency at iba pa.

Lahat ng rehistradong Tarlakenyo ay magkakaroon ng access sa Medical self-assessment at reporting tool, 911 Emergency, Health Record Management, Disaster Monitoring and Early Warning System, Traffic Management System at mas mahusay na COVID-19 contact tracing.

Maaaring magregister sa tarlacangelportal.ph!!!!

#MagkaisaBawatOrasSamaSama

source:
https://www.facebook.com/tarlac.cio/posts/5161990753871843

What is your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0

You may also like

Leave a reply

Your email address will not be published.