CRIS-T IN YOUR AREA!

Makilahok at mag-register sa Angel Portal Ecosystem System Project. Umarangkada na ang mga data gatherers o ang Citizen Registration Information System – Team (CRIS-T) sa inyong Barangay.

Ang Angel Portal Ecosystem System Project ay proyekto ng City Government. Kauna-unahan po ito sa buong Region III at may layong irehistro ang bawat residente sa Angel Portal Application para sa mas mabilis at convenient na City Government services tulad ng pag-report ng krimen, sakuna, uncollected garbage, traffic situation, contact tracing at marami pang iba!

Sinisiguro naman po ang privacy ng datos na makukuha mula sa publiko. Isang oath ang nilagdaan ng mga miyembro ng CRIS-T na nagsasaad na gagamitin lamang ang nakuhang datos para sa layunin ng proyekto at mananagot kung may paglabag dito base sa probisyon ng Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Bukod dito, ang lokal na pamahalaan ay tatalima sa probisyon ng Data Privacy Act na magtatalaga ng Data Protection Officer na may tungkuling siguraduhin ang privacy at proteksyon ng nalikom na datos.

#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Source
https://www.facebook.com/tarlaccitymayorcristyangeles/posts/2836044346637048