Unti-unti nang naisasakatuparan ni Mayor Cristy Angeles ang Tarlac City Angel Portal Ecosystem Project. Isinagawa ngayong Miyerkules, ika-14 ng Oktubre, 2020 ang dalawang batch ng Orientation Seminar para sa 530 enumerators na kabilang sa Citizen Registration Information System-Team (CRIS-T) sa Kaisa Convention Hall.
Tinitiyak ni Mayor Cristy na handa ang CRIS-T upang sumabak sa pangangalap ng datus para sa ating Citizen Mobile App at sinisiguro din niya na magiging ligtas at mahusay ang kanilang data gathering.
Nais ni Mayor Cristy na mairehistro ang lahat ng miyembro ng pamilya sa Tarlac City upang mapabilis ang pagbabahagi ng impormasyon at mapadali ang konsultasyon sa mga mamamayan. Sa tulong nito, agad na maaabisuhan ang lahat ng rehistradong mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad at magagamit din ito sa pag-report ng emergency.
Ilan lamang ito sa kapana-panabik na inobasyong kaakibat ng pagiging isang Smart City na isa nanamang proyektong una hindi lamang sa Tarlac Province kundi sa buong Region III.
Nagpapasalamat si Mayor Crity sa Information Technology Business Solutions System (ITBS) na siyang katuwang ng City Government sa proyektong ito. Aniya tuloy-tuloy ang mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod tungo sa pag-unlad ng Tarlac City na makakasabay sa nagbabagong panahon at umuusbong na teknolohiya.
#TarlacCityInformationOffice
#MagkaisaBawatOrasSamaSama
https://www.facebook.com/tarlac.cio/posts/4490338837703708
Hi, this is a comment.
To get started with moderating, editing, and deleting comments, please visit the Comments screen in the dashboard.
Commenter avatars come from Gravatar.